British man, 10 years tumira sa gubat kaysa makasama ang mabungangang asawa

Isang British man ang naglayas sa kanilang bahay matapos na hindi na makayanan ang pagiging nagger ng kanyang asawa.

Mas piniling manirahan ng 62 years old na si Malcolm Applegate sa kakahuyan kaysa araw-araw na marinig ang pagbubunganga ng kanyang misis.

Kwento niya, madalas nilang pag-awayan ang mahabang oras na iginugugol niya sa trabaho bilang isang gardener.


Hanggang sa humantong sa puntong pinagbawalan na raw siyang lumabas ng bahay ng kanyang misis.

Nang hindi na nakatiis, naglayas siya at sampung taong tumira sa kakahuyan hanggang sa napagkamalang patay na ng kanyang kapatid.

Sa ngayon, may sarili nang bahay si applegate mula sa “Homeless Charity”.

Facebook Comments