British national at asawa nitong Pinay, nabiktima ng pagnanakaw sa NAIA

Muli na namang may nabiktimang dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos mawalan ng sling bag ang British national at asawa nitong Pinay ng ipasok sa x-ray machine sa departure area ng paliparan.

Dahil dito sa nangyaring insidente, agad na umaksyon ang airport police para i-review ang kuha ng CCTV kung saan nakitang naipasok ng British ang sling bag niya sa x-ray machine.

Ayon kay Abigail Lynch, asawa ng british national, nakita nilang mag-asawa sa CCTV ang sabay-sabay na pagpasok ng mga taong naghahatid ng kanilang kaanak kasama ang mga pasahero patungong abroad sa waiting area sa departure kung saan hindi na nakuha ng mag-asawa ang sling bag na naglalaman ng cellphone, wallet at mga IDs.


Sinubukan pa ng mga security na tingnan ang loob ng x-ray machine kung naiwan sa loob ang sling bag ng pasahero subalit walang nakita ang airport security.

Umuwi namang dismayado ang mag-asawang pasahero dahil sa hindi safe ang seguridad ng paliparan.

Kasunod nito, nagpasalamat pa rin sila dahil hindi kasamang nawala ang kanilang pasaporte at nakasakay pa rin sila sa kanilang flight patungong London.

Samantala, pinag-iingat naman ng mag-asawa ang mga kapwa nito pasaherong papaalis ng bansa upang hindi na mabiktima ng mga magnanakaw sa airport.

Facebook Comments