British nat’l timbog sa drug operation sa Zambales

59

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP Region 3 at PDEA ang isang British national sa bahay nito sa Subic Zambales kaninang mag-aalas tres ngayong madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Simon Sterward Mclawrence Watson at Pilipina na si Rizza Fernandez.

Sa ulat natagpuan ng mga otoridad ang taniman ng kush o mamahaling uri ng marijuana sa bahay ng British national sa bahagi ng Magdalena Subic, Zambales.

Kabilang na nakumpiska ng mga otoridad ang 70 tanim ng kush, mga kagamitan sa laboratory.

Patong-patong na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act ang isasampang kaso sa mga arestadong suspek.

Patuloy ang isinasagawang imbentaryo sa mga nakumpiskang ebidensya mula sa British national.

Facebook Comments