Handang magbitiw si British Prime Minister Theresa May kung susuportahan na ng United Kingdom parliament ang Brexit deal na dalawang beses nang nasosopla.
Ayon kay May – palusutin lang ang EU divorce deal ng “bitterly-divided” parliament ay kusa siyang bababa sa kanyang pwesto.
Matitiyak din nito na mabibigyan ng maayos na tatahakin ang magiging bagong lider sa susunod na hakbang sa relasyon nito sa European Union.
Inaasahang i-aakyat muli sa parliyamento sa ikatlong pagkakataon ang Brexit deal upang pagbotohan bukas, March 29.
Sa ilalim ng Brexit deal, aaklas ang Britanya sa single market at customs union ng EU, maging sa political bodies nito.
Matatandaang March 29 ang orihinal na petsa ng pag-alis ng UK sa EU, pero pinagbigyan ng EU ang hiling na extension ni May hanggang April 12.