British PM May, aminadong hindi sapat ang natatanggap niyang suporta para sa Brexit deal

49

Kulang pa ang natatanggap na suporta ni British Prime Minister Theresa may sa mga miyembro ng United Kingdom (UK) parliament.

Kaugnay ito sa Brexit deal o withdrawal deal ng Britanya sa European Union (EU).


Ayon kay Prime Minister May – patuloy siyang nanghihikayat para masuportahan ito.

Ito na ang pangatlong beses na panghihikayat ng Prime Minister matapos payagan ito ng European Union (EU) sa pagpapalawig ng kanilang pagkalas.

Kapag nagkaroon ng default outcome ay mananatili sila sa pag-alis sa European Union (EU) ng walang anumang kasunduan.

Facebook Comments

From Advertisers