British Prime Minister Boris Johnson, nakalabas na ng ospital matapos ma-confine dahil sa COVID-19

Nakalabas na ng ospital si British Prime Minister Boris Johnson matapos itong ma-confine ng ilang araw dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Johnson, nagpapasalamat siya sa mga medical workers na nagligtas sa kanyang buhay mula sa banta ng nasabing sakit.

Matatandaang noong April 5 ay dinala si Johnson sa ospital at agad na inilipat sa Intensive Care Unit (ICU) hanggang Abril 9 dahil sa paglala ng kanyang sintomas.


Samantala, sa ngayon ay lumagpas na sa 10,000 ang death toll dahil sa COVID-19 sa United Kingdom matapos mahigitan ang Italy sa naitalang bilang ng nasawi sa loob lamang ng isang araw.

Facebook Comments