Thursday, February 19, 2026

British sex offender, inaresto ng BI sa Romblon

Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit (BI – FSU) ang isang British national na sex offender sa kanyang bansa.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang suspek ay si Andrew Charles Beaumont, 47 years old na naareto sa Sta. Fe, Romblon.

Base sa record, si Beaumont ay registered sex offender sa United Kingdom at subject ito sa life-long Sexual Offence Notification Order na inisyu pa noong 2012.

Na-convict din ang banyaga sa Australia noong 2009 dahil sa sexual abuse of a minor.

Sa court record, nahatulan ang dating guro ng apat na taon at anim na buwang pagkakabilanggo kabilang na ang three-year non-parole period matapos masangkot sa paulit-ulit na sexual activity sa 15 years old na biktima sa loob ng anim na linggo.

Sa pagsisiyasat ng BI gamit ang database, lumalabas na dumating ang Briton sa bansa noong September 19, 2022 at nakapasok ito bilang temporary visitor.

Binigyan naman ito ng extension hanggang November 2023 kaya isa na itong overstaying alien.

Sinabi ni Viado na mahalaga ang pagkakahuli sa banyaga para maprotektahan ang mga menor de edad sa bansa at mapaigting pa ang border control, intelligence sharing at enforcement actions laban sa mga foreign sex offenders at traffickers.

Nakakulong na si Beaumont sa BI Warden Facility (BIWF) habang ipinoproseso ang deportation documents nito.

Facebook Comments