CAUAYAN CITY – Pinangunahan nina Gov. Rodito Albano III at Vice Gov. Faustino “Bojie” Dy III ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga BRO-Ed scholars at benepisyaryo ng Isabela Recovery Initiatives to Support Enterprises o I-RISE sa bayan ng Cordon, Jones, at San Agustin, Isabela.
870 BRO-Ed scholars ang naabutan ng allowance para sa ikalawang semester ng taong 2022-2023 na umabot sa halagang P2.7-M.
Mahigit P4-M naman ang halagang naipamahagi sa 1,333 scholars para sa unang semester ng taong 2023-2024.
Samantala, umabot sa halagang P1.39-M ang tulong pangkabuhayan na naipamahagi sa 884 na benepisyaryo ng programang I-RISE.
Bukod dito ay inihayag din ni Gov. ang kanyang planong pagbibigay ng 50 solar street lights with poles sa bawat barangay ng probinsya.