BRO-ED SCHOLARSHIP, MULING NAGBABALIK

Cauayan City – Muling nagbabalik ang isa sa mga pinakahihintay ng mga estudyante sa buong lalawigan ng Isabela, ang BRO-ED Scholarship.

Una ng natanggap ng mga scholars mula sa lungsod ng Ilagan, bayan ng Tumauini, Delfin Albano, at Sto. Tomas ang kanilang Scholarship allowance at bigas mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Watch more balita here: PAGSALUBONG SA PAGDATING NI BBM SA ILAGAN, NAKAHANDA NA


Para sa ikalawang semestre ng School Year 2022-2023, nasa P19.7 million ang halaga ng natanggap na allowance ng 6,411 BRO-Ed Scholars.

Para naman sa 1st semester ng School Year 2024-2024, P25.7 million ang halaga ng educational assistance na naipamahagi sa 8,288 na mga BRO-Ed Scholars.

Samantala, mayroon ng inilabas na anunsyo ang BRO for Education kaugnay sa schedule ng pay out kaya’t tuloy-tuloy ang gagawing pamamahagi ng scholarship allowance sa iba pang mga bayan dito sa lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments