BRO SCHOLARS SA ALICIA AT ECHAGUE, TATANGGAP NG SCHOLARSHIP ALLOWANCE

Cauayan City – Nakatakdang tumanggap ng scholarship allowance ngayong araw ang mga BRO for Education Scholars mula sa bayan ng Alicia at Echague, Isabela.

Sa inilabas na anunsyo ng BRO for Education, magaganap ang Scholarship Pay out sa Brgy. Cabugao Community Center, Echague, Isabela, at Brgy. Callao Community center, Alicia, Isabela.

2,686 ang bilang ng mga scholars mula sa Bayan ng Echague para sa Academic Year 2022-2023 at 2023-2024, habang 2149 naman ang bilang ng scholars sa Bayan ng Alicia sa parehong Academic Year.


Pinapayuhan naman ang lahat ng scholars na sa kanilang pag claim ng allowance ay siguraduhin na dapat tandaan ang kanilang payroll number at dalhin ang kanilang Certificate of Scholarship at School ID o Valid ID.

Facebook Comments