Broadcaster Ira Panganiban, dumepensa sa pagsasampa sa kanya ng kaso ni DOTr Sec. Bautista

Dumepensa si Broadcaster Ira Panganiban sa cybercrime complaints na inihain ni Transportation Secretary Jaime Bautista laban sa kanila ni Manibela President Mar Valbuena.

Ayon kay Panganiban, nagtataka siya kung bakit siya napasama sa sinampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ).

Aniya, naghahatid lamang siya ng balita na tulad na ginagawa ng ilang mamamahayag.


Sa panig naman ni Valbuena, matapang na sinabi nito na handa siyang harapin si Bautista sa kahit saan na korte.

Handa rin aniya siyang makasama sa kulungan si Bautista.

Nag-ugat ang reklamo ni Bautista sa aniyay akusasyon na tumatanggap siya ng mga suhol.

Facebook Comments