Broadcasters sa Zamboanga Del Sur, muling sumali sa KBP Oplan Broadcastreeing

Muling nagtipon-tipon ang mga broadcaster sa lalawigan ng Zamboanga del Sur upang makibahagi sa “Oplan Broadcastreeing” kung saan sabay-sabay na nagtatanim ang mga ito ng daan-daang puno ng kahoy.

 

Inumpisahan ang aktibidad sa isang prayer at bumiyahe patungong Barangay Tinotungan sa bayan ng Tukuran kung saan nagtatanim ang mga miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas-ZamboSur Chapter.

 

Kaakibat ng aktibidad ang Department of Environment and Natural Resources-PENRO, Local Government Unit ng Tukuran, mga 4p’s members, mga estudyante at iba pang volunteer groups sa lalawigan.


 

Kaugnay niyo, patuloy ang panawagan ng KBP na ipagpatuloy ang pagtulong sa pamahalaan sa pagnanais na mapagaan ang epekto ng climate change at patuloy na suportahan ang adbokasiya na pangalagaan ang kapaligiran.

Facebook Comments