Nangunguna pa rin ang brodkaster na si Raffy Tulfo sa senatorial race sa ika-apat na pre-election survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators O RMN-APCORE.
Sa isinagawang face-to-face survey nitong April 1-4, sa 2,400 respondents, nakakuha ng 58.7% si Tulfo dahilan upang manguna muli siya sa senatorial race.
Sinundan naman ito ni Deputy House Speaker Loren Legarda na may puntos na 47.3%; habang pumangatlo si Chiz Escudero na nakakuha ng 43.9%.
Pang-apat naman sa survey si Mark Villar na may 40.3%; sinundan ni Sen. Sherwin Gatchalian na may 39.1%; Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na may 39%; Migz Zubiri na may 37.7% at Sen. Riza Hontiveros na may 33.9%.
Pang –siyam sa pwesto ang aktor na si Robin Padilla na may 33.9%; Sen. Joel Villanueva – 32.6%; Jejomar Binay – 32.5%; JV Ejercito – 29.2%; Jinggoy Estrada – 28.3%; at Herbert Bautista na may 25.3% na score.
Ang RMN-APCORE survey ay may plus/minus na 2-percent margin of error at 95% confidence level.