Brodkaster sa Albay, Pinagbabaril, Patay

*Isang broadcaster sa Legaspi City ang pinagbabril kaninang umaga lamang bandang alas 4:45 ng umaga. *
*Kinilala ang biktima na sa JOEY LLANA, edad 38 at residente ng Barangay Peñafrancia bayan ng Daraga sa probinsiya ng Albay. *
*Ayon sa report, nagmamaneho umano si Llana papalabas ng kanyang garahe nang siya ay pagbabarilin ng mga salarin. Ayon sa imbestigsdyon ng pulisya, malapitan ang ginawang pagbaril sa biktima at marami ang tinamong tama nito sa ulo at katawan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. *
*Sa interview ng RMN Naga – DWNX kay Tony Baria, News Director ng Zagitsit FM, si Llana ay isang malapit na kaibigan mabait, mapagbiro, at anchorman ng isang blocktime program sa radio station DWZR sa Legaspi City. *
*Patuloy pang iniimbistigahan ng otoridad ang motibo at identity ng mga suspect. * *Magugunitang noong nakaraang June 13, 2011, binaril at napatay din si Romy Olea na isang myembro rin ng media sa Iriga City. *

Facebook Comments