BROMANCE | Kaanak ni Mark Bautista, nagulat din sa mga rebelasyon ng singer-actor

Manila, Philippines – Bukod sa mga fans at kapwa artista, nagulat din maging ang mga kaanak ng singer/actor na si Mark Bautista sa mga naging rebelasyon niya.

Nauna nang naging usap-usapan ang libro niya na “Beyond the Mark” kung saan ikinuwento ng singer ang pagkakaroon niya ng “Bromance” sa isang aktor.

Sa isang panayam naman sa telebisyon, inamin din ni Mark na isa siyang bi-sexual.


Naniniwala naman ang mga kaanak ni Mark na posibleng epekto lang ito ng intriga sa showbiz.

Pero mananatili raw silang naka-full support anuman ang tatahaking mundo ng singer.

Facebook Comments