Brooklyn Nets, dinurog ang Bucks sa Game 2 ng NBA Conference Semifinals

48

Tinalo ng Brooklyn Nets ang Milwaukee Bucks sa score na 125-86, 2-0 abante sa NBA Eastern Conference Semifinals.

Pinangunahan ni Kevin Durant ang laban na nag-ambag ng 32 points, na sinundan naman ni Kyrie Irving na may 22 points.


Hindi naman nakapaglaro ang third star ng Nets na si James Harden dahil sa injury.

Samantala sa hanay ng Bucks, pinangunahan ng two-time NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo ang koponan na may 18 points at 11 rebounds.

Facebook Comments