Brooklyn Nets, pinadapa ang Cleveland Cavaliers

Sports – Binalewala ng Brooklyn Nets ang monster game ni Lebron James para maitala ang 112-107 na panalo sa kanilang home court.

Naging balanse ang scoring para sa Nets na kung saan anim na players ang umiskor sa double figures para gulatin ang paboritong Cavaliers.

Sa kaniyang unang start bilang point guard, kumamada si James ng 29 points, 10 rebounds at 13 assists para sa Cleveland pero hindi ito naging sapat para pigilan ang panalo ng Nets kahit hindi naglaro ang point guard nilang si D’Angelo Russel.


Facebook Comments