Brooklyn Nets, tinalo ang Milwaukee Bucks sa Game 5 ng NBA Eastern Semis

Tinalo ng Brooklyn Nets ang Milwaukee Bucks sa score na 114-108 sa Game 5 ng Eastern Conference Semifinals ng National Basketball Association (NBA).

Pinangunahan ni Kevin Durant ang laro na mayroong 49 points, 17 rebounds at 10 assists habang sinundan naman ni Jeff Green na may career-high na 27 points.

Ginabayan naman ni Giannis Antetokounmpo ang Bucks na may 34 points at 12 rebounds at Khris Middleton na may ambag na 25 points.


Magtatapat muli ang Bucks at Nets sa Game 6 ng best-of-7 series sa Biyernes.

Facebook Comments