Brooklyn Nets, tumikim ng ika-5 sunod na talo sa Cavs; Orlando Magic nasilat ang New York Knicks

Natikman ngayon ng Brooklyn Nets ang ikalimang sunod na talo matapos ang makapigil hininga na laro laban sa Cleveland Cavaliers.

Una rito nasa 0.7 seconds na lang ang nalalabi sa 4th quarter nang himalang maipasok ni Isaac Okoro ang 3-pointer mula sa kabuuang 11 points niya para magtapos ang game sa 116-114 at magtala ng two-game sweep laban sa Nets.

Nanguna sa diskarte ng Cavs na No. 4 ngayon sa Eastern Conference ay si Donovan Mitchell na nagpakawala ng 31 points at si Evan Mobley na nag-ambag ng 26 points at 16 rebounds.


Sa ngayon hawak na ng Cleveland ang 47-28 record upang lumapit pa sa first playoff berth mula taong 2018.

Mula nang mawala naman sa Nets (39-34) ang superstar na si Kevin Durant ay minalas na ito.

Sa ibang game, inalat na naman ang New York Knicks matapos na masilat nang kulelat na Orlando Magic, 111-106.

Ito na ang ikatlong sunod na talo ng Knicks na No. 5 sa Eastern Conference.

Naging susi sa panalo ng Magic (31-43) ang three points ni Paolo Banchero na may 1:26 minuto ang nalalabi sa 4th quarter at ang kanyang dalawang free throws sa final seconds.

Sa kampo ng Knicks (42-33) nasayang ang tig-26 points nina Quentin Grimes at Immanuel Quickley. Habang si Julius Randle ay nagtapos sa 23 points at nine rebounds.

 

Narito ang iba pang game results;
Pelicans vs. Hornets, 115-96
Clippers vs. Thunder, 127-105

Facebook Comments