Brownout inaasahan sa pananalasa ng Bagyong “Auring”, emergency crew ng electric cooperatives nakaalerto na

Hindi isinasantabi ng National Electrification Adminstration (NEA) ang posibilidad na magkaroon ng biglaang power interruption sa mga lugar na daraanan ng bagyong Auring.

Ayon sa ulat, nakaposisyon na ang mga crew at kagamitan ng mga Electric Cooperatives upang tiyaking agad na matutugunan ang mga problema sakaling may power outages.

Ipinag-utos na rin ang pagputol sa mga sanga ng kahoy na malapit sa power lines o poste ng kuryente na posibleng maging sanhi ng brownout.


Ayon sa PAGASA Weather Bureau maraming lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao ang may nakataas nang Tropical Cyclone Wind Signal kung kaya’t asahan ang malalakas na pagbugso ng hangin at buhos ng ulan.

Facebook Comments