Manila, Philippines – Nangangamba si Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian sa posibilidad na makaranas ng brownouts sa panahon ng canvassing o bilangan ng boto matapos ang May 13 elections.
Ito ay matapos aminin ng Department of Energy o DOE sa pagdinig ng Senado na magiging manipis ang suplay ng kuryente bago at pagkatapos ng May 13.
Sabi ni Gatchalian, sa May 13 lang siguradong sapat ang suplay ng kuryente dahil walang pasok sa mga pribado at pampublikong tanggapan kaya mas kakaunti ang demand sa enerhiya.
Facebook Comments