BRP Cabra, naglayag na patungong Bicol Region lulan ang mga pagkain para sa mga sinalanta ng Bagyong Kristine

Tumulak na kanina ang BRP Cabra (MRRV-4409) mula Port Area, Maynila, papuntang Bicol upang maghatid ng tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Kahon-kahong food packs, bigas, purified drinking water, canned goods, noodles, at kape ang kinarga ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa BRP Cabra.

Inaasahang darating ang BRP Cabra (MRRV-4409) sa Pasacao Port, Camarines Sur, bukas ng umaga, ika-27 ng Oktubre 2024.


Bunga nito, asahan pa ang paghahatid ng iba pang barko ng PCG ng relief supplies sa mga hinagupit ng Bagyong Kristine.

Facebook Comments