BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard, muling maghahakot ng relief supplies sa Catanduanes

51
COURTESY: PHILIPPINE COAST GUARD

Muling lalayag patungong Catanduanes ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG) sa susunod na linggo para maghatid ng relief supplies sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly sa lalawigan.

Target ng Coast Guard na lumayag mula sa Port Area, Manila patungong Port of Virac, Catanduanes sa November 9 o 10, 2020.


Kabilang sa hahakutin ng PCG patungong Catanduanes ang sako-sakong mga bigas, canned goods, purified drinking water, flashlights, batteries at hygiene kits.

Tiniyak naman ng Coast Guard sa mga organisasyon o individual donors na handa silang i-transport o ikarga sa kanilang barko ang donasyon ng mga ito para sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol Region.

Ang kailangan lamang ay makipag-ugyanan sila sa Coast Guard Public Affairs sa pamamagitan ng kanilang mobile number: 0927-560-7729.

Magugunita nitong nakalipas na linggo ay una nang naghatid ang BRP Gabriela Silang ng relief supplies at mga yero para sa mga taga-Catanduanes.




Facebook Comments