BRP Jose Rizal, nakarating na rin sa Palawan para mamigay ng relief goods

Nasa Palawan na rin ngayon ang isa pang barko ng Philippine Navy ang BRP Jose Rizal.

Ayon kay Naval Public Affairs Office Director Commander Benjo Nagranza, dumating kahapon sa Palawan ang barko bitbit ang nasa 30,000 kilograms ng relief goods para naman ipamahagi sa mga sinalanta ng Bagyong Odette.

Ang mga relief goods na ito ay agad na unload sa tulong ng mga tauhan ng Philippine Marine Corps at Philippine National Police.


Bukod sa BRP Jose Rizal, nasa Palawan din ang patrol craft ng Philippine Navy na BRP Carlos Albert at tumulong sa pagta- transport ng mga relief goods at at iba pang cargoes.

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Navy na magpapatuloy ang kanilang commitment sa publiko na magbigay ng tulong sa mga Pilipino lalo na sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments