BRP Pampanga, dumating na sa Iligan City para sa pagtulong sa mga naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi

Iligan City – Dumating na sa Iligan City ang BRP Pampanga ng Philippine Coast Guard para sa pagpapatuloy ng kanilang humanitarian mission sa mga apektado ng kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Cmdr. Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, ang BRP Pampanga ang search and rescue vessel -003, ay magsisilbing hospital ship para sa mga evacuees na nangangailangan ng atensyong medical.

Bukod dito, tatayo rin ito para sa kanilang relief operations, medical at dental mission, at pagsasagawa stress debriefing, kung saan dadalhin sa BRP Pampanga ang mga sasalang sa pagsusuri ng mga doktor.


Sa naunang assessment na isinagawa ng Philippine Coast Guard, pangunahing pangangailangan sa Iligan City ang mga pediatrician, gynecologist, mga dentista, physical therapist at psychologist upang umasiste sa mga naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City.

Nagpasalamat naman si Balilo sa mga tumulong at nagbigay ng suporta para sa aktibidad ng PCG.

Facebook Comments