Nasa kritikal na ang supply sa BRP Teresa Magbanua na ilang buwan nang naka-deploy sa Ayungin Shoal.
Ito ay kasunod ng pagkabigo ng Philippine Coast Guard (PCG) na magsagawa ng resupply mission dahil sa pangha-harass at pagharang ng mga barko ng China sa humanitarian mission kahapon.
Ayon sa ulat, hinarangan ng mga barko ng China ang BRP Cabra at BRP Cape Engaño na maghahatid lang sana ng pagkain at supplies.
Sa pulong balitaan kanina, sinabi ni PCG Spokesperson for West Philippine Sea na hanggang ngayong umaga ay nasa 36 ang Chinese Militia Vessel, isang barko ng China Coast Guard at isang nakarehistro bilang rescue at salvage ship.
Nasayang din daw ang mga ice cream na ipapadala sana sa mga tauhan ng PCG na sakay ng BRP Teresa Magbanua na para sana i-treat ang mga ito kasabay ng National Heroes’ Day kahapon.
Ayon kay Tarriela, nagsimulang maging agresibo ang barko ng China sa paligid ng BRP Teresa Magbanua nito lamang ikatlong linggo ng Agosto.
Nasa Escoda Shoal ang nasabing barko mula pa noong April 16.