Sasali ang bagong BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 sa karagatan sakop ng Makassar, Indonesia.
Ito’y sa pagitan ng PCG, Directorate of Sea Transportation (DGST) ng Republic of Indonesia at Japan Coast Guard (JCG).
Sisimulan ito sa darating na May 22 hanggang May 29 kung saan ang nasabing multi-role response vessel (MRRV) na BRP Teresa Magbanua ay makakasama ang BRP Gabriela Silang, BRP Malapascua at BRP Cape Engaño sa MARPOLEX 2022.
Layunin ng pagsabak ng mga barko ng Coast Guard ay para malaman ang kapabilidad ng mga ito sa oil spill response capabilities Pilipinas, Indonesia at Japan.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, inaasahan na ang MARPOLEX 2022 ay inaasahang magpapalakas pa sa kakayahan sa pagresponde sa insidente ng sunog, rescue at oil spill recovery operation.
Ito’y sa pamamagitan ng pagpaplano, command and control at pagsasagawa ng integrated operations.
Nabatid na kada dalawang taon ay ikinakasa ang MARPOLEX ng PCG at Directorate of Sea Transportation kung saan noong July 2019 ay ang Pilipinas ang nag-host nito na ginanap naman sa Davao City.