Brunei at Korea, mag-do-donate na rin ng COVID test kits sa Pilipinas; limang sub-national laboratories, operational na

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang nakatakdang COVID test kits na dadating sa bansa mula sa Korea at Brunei.

Bukod pa ito sa test kits na dumating kanina sa bansa mula sa China.

Kinumpirma rin ng DOH na operational na ang limang sub-national laboratories na magigung katuwang ngayon ng Research Institute for Tropical Medicine.


Partikular ang San Lazaro Hospital, Baguio General Hospital & Medical Center para sa Luzon, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Visayas, at Southern Philippines Medical Center sa Mindanao.

Ang naturang laboratories ay may kakayahan na magproseso ng COVID tests ng 50-300 kada araw.

Ayon sa DOH, dalawa pang karagdagang laboratories ang sine-set-up ngayon sa Western Visayas Medical Center at Bicol Public Health Laboratory.

Tumutulong na rin sa RITM ang University of the Philippines-National Institutes of Health bilang extension laboratory.

Tinutulungan na rin ang DOH ng World Health Organization at Research Institute for Tropical Medicine, sa pag-assess sa lima pang molecular biology laboratories sa private tertiary hospitals bilang  extension laboratories mula ngayong araw, March 21.

Ang naturang mga ospital ay ang St. Lukes Medical Center – Global City, Makati Medical Center, The Medical City, St. Lukes Medical Center – Quezon City, at Chinese General Hospital habang patuloy din ang assessment sa iba lang laboratories sa ibat ibang rehiyon sa bansa.

Facebook Comments