Brunei football team captain, nagpapagaling na matapos magka-allergy dahil sa peanut

Isinugod sa ospital ang football team captain ng Brunei nitong weekend dahil sa allergic reaction sa mani o peanuts.

Napag-alamang kabilang ito sa ingredients ng pagkaing inihain sa mga atleta.

Idinala sa Manila Doctor’s Hospital para sa treatment si Faiq Hefri Bolkiah, ang pamangkin ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah.


Ayon kay SEA Games Executive Chef Bruce Lim – hindi sila naabisuhan tungkol sa peanut allergy ng pamangkin ng lider ng Brunei.

Iginiit ni Lim na kumokonsulta sila sa team coordinators tungkol sa dietary restrictions at allergies ng mga atleta at iba pang bisita.

Tiniyak ng SEA Games chef na ang mga ingredient sa bawat dish ay “up and posted” para malaman ng mga delegado.

Facebook Comments