Brunei Sultan Hassanal Bolkian, tiniyak ang suporta sa Pilipinas sa pagsusulong ng kapayapaan

Nangako si Brunei Sultan Hassanal Bolkia sa gobyerno ng Pilipinas na ipagpapatuloy ang suporta para mapanatili ang kapapayaan at katatagan ng Pilipinas at Brunei.

Ito ang sinabi ni Sultan Bolkia kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang bilateral meeting na sidelines sa ginaganap na 40th and 41st ASEAN summit at related summits sa Phonm Penh, Cambodia.

Sa panig naman ni Pangulong Marcos sinabi nitong kinilala niya ang naging papel ng Brunei Sultanate sa proseso ng usapang pangkapayapaan sa Mindanao na aniya’y nagpapatuloy kahit pa may COVID-19 pandemic.


Ang Brunei ay bahagi ng International Monitoring Team at independent decommissioning body sa peace process sa southern Philippines.

Sinabi ng Pangulo na masaya siya dahil nagpapatuloy ang peace process sa kabila ng pagpapalawig ng Transition Authority para sa susunod na tatlong taon dahil rin sa pandemya.

Ang negotation process sa pagitan ng Bangsamoro at mga kapatid na Muslim ay nagsimula pa noong taong 1976.

Kaugnay nito, iniulat ng Pangulo kay Sultan Bolkiah na magkakaroon ng parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa taong 2025, kaya naman umaasa ang pangulo na magkakaroon ng mas produktibong autonomous government sa southern part ng Pilipinas.

Pinuri naman ni Sultan Bolkiah ang Pangulo dahil sa walang pagod na pag-asam ng pang matagalang kapayapaan sa BARMM.

Natuwa rin ang Pangulo dahil nakatulong ang Pilipinas sa healthcare system ng Brunei sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments