Manila, Philippines – Mariing kinukondena ng Simbahang Katolika ang pananambang ng apat na hindi pa nakikilalang suspect kay Fr. Marcelito “Tito” Paez, kahapon, alas otso ng gabi sa Nueva Ecija.
Ayon kay Bishop Roberto Mallari ng San Jose, Nueva Ecija, nakakaalarma ang pagpaslang na ito kay Fr. Paez, na itinuturing niyang brutal at hindi makatarungan.
Nananawagan ang Obispo sa mga awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon para sa ikalulutas ng kaso si Fr. Paez na hanggang sa kasalukuyan ay blanko pa rin ang pagkakakilanlan ng mga suspect.
Nananawagan rin ito sa publiko na magdasal nang makampan ng pari ang hustiya sa lalong madaling panahon.
Si Fr. Tito Paez, ay isang coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) sa Central Luzon.
Naging bahagi rin si Fr. Paez ng pagaasiste sa pagpapalaya noon sa political prisoner na si Rommel Tucay sa Cabanatuan City.
BRUTAL AT HINDI MAKATARUNGAN | CBCP, kinundena ang pagpatay kay Fr. Paez
Facebook Comments