Brutal na pag-atake ng NPA sa Quezon, patunay na walang uusad na peace talks – Pangulong Duterte

Wala ng kahit ano pang usapang pangkapayapaan na uusad pa lalo na kung patuloy ang panggugulo at karahasan ng New People’s Army (NPA).

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagkondena sa pinakabagong rebel attack sa mga tropa ng pamahalaang nasa food aid mission sa Quezon Province.

Sa kanyang lingguhang public address, tiniyak ni Pangulong Duterte na papanagutin ang sinumang nasa likod ng pag-atake.


Dagdag pa ni Pangulong Duterte na walang isususlong na peace talks sa mga susunod pang administration kung hindi hihinto ang mga rebeldeng komunista na atakehin ang pwersa ng pamahalaan.

Aniya, ang mga sundalo at mga barangay captains ang nananatiling target na patayin ng mga rebeldeng komunista.

Hindi rin maintindihan ng Pangulo kung bakit inaatake ng mga rebelde ang mga sundalong maghahatid lamang ng pagkain lalo na ngayong pandemya.

Facebook Comments