Brutal na Pagpaslang kay NDFP Consultant Randy Malayao, Kinundena ng Danggayan Cagayan Valley!

160

Mariing kinondena ng Danggayan Dagiti Mannalon ti Cagayan Valley ang brutal na pamamaslang kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Peace Consultant Randy Malayao.

Nagbunga ito sa pagdadalamhati ng mga magsasaka at mamamayan sa Lambak ng Cagayan.


Batay sa social media post ng Danggayan Cagayan Valley, bahagi umano sa pagpatay kay Malayao ay ang mabangis na operasyon ng militar.

Inihayag rin ng grupo na wala umanong ibang may kagagawan sa pamamaslang kay Malayao kundi ang 5th Infantry Division, Philippine Army at mga death squads ng rehimeng US-Duterte.

Hustisya naman ang tanging hiling ng grupo para kay Malayao.

Matatandaan na Enero 30, 2019 ng madaling araw ay pinagbabaril si Randy Malayao habang ito ay natutulog sa loob ng sinakyang bus sa Bus Stop sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Facebook Comments

From Advertisers