Manila, Philippines – Naniniwala ang pamilya ni Ako Bicol Party-List Representative Rodel Batocabe na pulitika ang motibo sa pagpaslang sa mambabatas.
Hindi pa rin matanggap ng asawa ng mambabatas na si Gertie Batocabe ang pagkawala ng kanyang mister.
Dagdag pa ni Gertie – ang mga kaaway sa pulitika at sakim sa kapangyarihan ang nagpapatay sa kanyang asawa.
Kinondena rin niya ang brutal na pagpatay sa kanyang asawa.
Matatandaang bumuo na ng Special Investigation Task Force ang PNP na tututok sa kaso ng pagpatay kay Batocabe.
Siyam na araw ang ibinigay ni PNP Chief Oscar Albayalde para tapusin ang kaso.
Facebook Comments