Manila, Philippines – Mariing kinondena ng mga senador ang brutal na pagpatay sa 14 na taong gulang na si Reynaldo de Guzman na natagpuang may masking tape ang mukha at 30 saksak sa katawan sa isang creek sa Gapan Nueva Ecija.
Giit ni Senator Poe, kasumpa-sumpa at nakakamuhi ang ginawa kay de Guzman at huwag sana aniyang itong gawan ng kwento na isa ring holdaper katulad ng ginawa sa kanyang kasama niyang si Carl Angelo Arnaiz na napatay naman ng Caloocan police.
Sina Senators Joel Villanueva, JV Ejercito at Bam Aquino, naman hindi masikmura at kasuklam suklam at nakakapanginig ng laman na sinapit ng binatilyo.
Ang Liberal Party, sa pamumuno ni Senator Francis Kiko Pangilinan ay isinisi sa baluktot at salot na war on drugs ang mga nagaganap na karumal-dumal na pagpatay.
Giit naman ni Senator Risa Hontiveros, ang pagpatay kay de Guzman at sa halos 13,000 katao ay patunay ng polisiya ng pagpatay ng administrasyong Duterte.