Hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas ang kanyang galit at pagmumura sa mga pumatay sa 16-anyos na si Christine Silawan Sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Ang grade 9 student ay natagpuang patay, tadtad ng saksak, binalatan ng mukha at tinanggal ang ilang lamang-loob nito.
Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban campaign rally sa Cauayan, Isabela kagabi hindi siya naniniwalang kulto ang gumawa nito.
Kinokondena ng Pangulo ang iba’t-ibang kaso ng rape kung saan ang mga biktima ay mga menor-de-edad.
Kasabay nito, sinabihan ni Pangulong Duterte ang mga human rights advocate na magsagawa ng imbestigasyon sa krimen nang sa gayon ay maunawaan kung bakit galit siya sa iligal na droga at sa kriminalidad.
Sa ngayon, itinaas na sa ₱1.6-million ang alok na pabuya para sa agarang pagkakalutas ng kaso.