Nanindigan ang Philippine National Police (PNP), na pangkalahatang naging maayos at mapayapa ang nakalipas na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kabila ng 47 validated election related incidents (ERIs) na mas mataas ng 17% sa 40 naitala noong 2018 BSKE.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, mas maganda pa rin ang naging pangkalahatang pagdaraos ng nagdaang halalan dahil walang lugar na nakaranas ng failure of elections.
Ani Fajardo, inasahan na niya ang PNP na magiging mainit ang tunggalian sa nagdaang halalan dahil sa tagal ng panahon na lumipas mula nang huling idaos ang BSKE noong 2018.
Binigyang diin ni Fajardo, na tama ang naging threat assessment ng PNP at ang ginawa nilang pag-de-deploy ng karagdagang puwersa sa mga lugar na pasok sa Red Category na matagumpay na naisagawa ang halalan sa 100% ng mga barangay sa bansa.
Sa unang datos na inilabas ng PNP, mas mababa parin ang 47 insidenteng iniulat sa BSKE 2023 sa 97 insidente na naitala noong 2010 BSKE at 57 insidente noong 2013.