BSKE 2023, naging mapayapa sa pangkalahatan – Comelec

Maiituturing pa ring “generally peaceful” ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kabila ng mga aberya na naranasan sa ilang bahagi ng bansa.

Ito ang inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) sa press briefing sa Comelec Command Center ngayong hapon.

Samantala, ang mga botante naman na nananatiling nakapila ay pabobotohin pa rin kahit lampas alas-3 na ng hapon.


Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, tatanggapin pa rin ang mga last minute na botante na 30 meters yung layo sa presinto.

Sinabi ni Comelec Chair Garcia, na hindi magagawa ang extension dahil walang basehan para palawigin ang botohan at hindi pa ito inaaprubahan ng kongreso.

Facebook Comments