Naging maayos ang botohan ngayong umaga sa Cembo Elementary School na ngayo’y nasa ilalim na ng lungsod ng Taguig.
Umabot sa 18,392 na mga botante ng Central Enlisted Men’s Barrio o Cembo Elementary School ang nakiisa sa BSKE ngayong taon.
Bagama’t nagkaroon lamang ng kaunting pagkalito dahil ang ilang mga Senior Citizen, buntis at mga Person with Disabilities o PWDs ang maagang nagtungo dahil sa pag-aakalang kasama sila sa early voting na nagsimula ng alas-5:00 ng umaga.
Ngunit agad namang umalalay ang mga personnel at mga volunteer mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV para tulungan ang mga botante na nahihirapang hanapin ang kanilang presinto.
Inaasahan na magtutuloy-tuloy pa ang kaayusan sa Cembo hanggang matapos ang botohan para sa BSKE 2023.