Nangunguna si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Government Benjamin Diokno sa highest paid government executive sa bansa.
Batay sa Report of Salaries and Allowances (ROSA) ng Commission on Audit (COA), si Diokno ay kumita ng ₱19.79 million nitong 2020.
Pangalawa sa may pinakamalaking sahod at allowance nitong 2020 ay si Solicitor General Jose Calida na may ₱15.66 million.
Narito ang kukumpleto sa Top 10:
– Eulogio Catabran III (UCPB) – ₱15.46 million
– Rolando Macasaet (GSIS) – ₱15.26 million
– Estela Perlas-Bernabe (Supreme Court) – ₱15.20 million
– Ma. Almasara Amador (BSP) – ₱15.15 million
– Diosdado Peralta (SC) – ₱14.53 million
– Chuchi Fonacier (BSP) – ₱14.35 million
– Higinio Macadaeg Jr. (UCPB) – ₱13.22 million
– Dahlia Luna (BSP) – ₱12.64 million
Ang ROSA ay naglalaman ng listahan ng nasa 8,737 public officials at ilang private individuals na nakakatanggap ng salaries, at allowances mula sa pamahalaan.