Manila, Philippines – Pumanaw na si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr. matapos na makipaglaban sa tongue cancer.
Noong nakaraang buwan ay bumalik pa sa trabaho si ang 60-anyos na si Espenilla matapos ang higit dalawang linggong medical leave.
Inanunsyo nito ang cancer diagnosis noong Pebrero ng nakaraang taon kung saan sumailalim siya sa radiation therapy.
Naitalaga si Espenilla bilang BSP Governor noong July 2017 kapalit ni Amando Tetangco Jr.
Siya ay dating deputy governor for the supervision and examination sector na in-charge sa pagdisiplina sa mga bangko.
Facebook Comments