Walang nang moratorium o grace period sa pagbabayad ng utang kahit pa umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ito ang kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas kasabay ng pahayag na makipag-usap na lamang ang mga ito sa mga pinagkakautangang bangko o financial institution tungkol sa pagbibigay ng financial relief.
Ayon kasi sa BSP, una na nilang hinimok ang mga financial institution na i-renew, i-restructure o palawigin pa ang termino ng pagbabayad ng utang ng kanilang mga kliyente.
Habang nagpatupad din ang BSP ng mga hakbang para makatulong sa mga nasabing institusyon na ipagpatuloy pa rin ang kanilang mga serbisyo para suportahan ang mga negosyo sa bansa dahil pa rin sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Facebook Comments