Walang magiging pagbabago sa interest rate na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa kabila ito ng bahagyang pagtaas ng inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa na naitala sa 3.7% nitong Marso.
Sa naging pulong ng Monetary Board, nagkasundo na mananatili sa 6% ang interes sa overnight deposit at 7% sa lending facilities.
Hindi rin nagalaw ang 6.5% na tinatawag na reverse repurchase rate na pinakamataas sa loob ng halos 17 taon.
Kadalasang nagpapatupad ng rate hike kapag mataas ang inflation.
Kapag mataas ang interest rates, napipilitan ang marami na umutang muna sa mga bangko at umiwas muna sa paggastos lalo na ng mga hindi naman kailangan na nagreresulta sa pagmura ng bilihin.
Huling nagpatupad ng rate hike ang BSP noon pang Oktubre ng nakaraang taon.