BSP, ikinalugod ang pagpasa sa Anti-Financial Account Scamming Law

Ikinalugod ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagkakapasa sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).

Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., ang naturang batas ang magpapalakas sa consumer protection at makakatulong sa tiwala ng publiko sa Philippine financial system.

Layon ng Anti-Financial Account Scamming Act na malabanan ang cybercrimes at maprotektahan ang interes ng financial consumers.


Sa ilalim din ng nasabing batas, magtutulungan ang BSP, National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para habulin ang sinumang lalabag dito.

Facebook Comments