BSP, inalerto ang mga bangko at financial insitutions laban sa vote buying sa BSKE

Inalerto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko at iba pang financial insitutions laban sa anumang uri ng transaksyon na posibleng vote buying at vote selling, kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa inilabas na Memorandum ng BSP, inatasan ang mga financial institutions na palakasin ang kanilang pagbabantay para maiwasang magamit bilang kasangkapan sa illegal na aktibidad sa halalan.

Isa sa inaasahan na magagamit sa vote buying at vote selling ang mga digital cash applications at online banking.


Payo ng BSP sa mga bangko at financial institutions, tukuyin ang biglaan at maramihang account registration sa isang lugar, malalaking cash transactions sa araw ng halalan, kahina-hinalang transaksyon sa mga accounts tulad ng pagpapadala ng isang account sa maraming accounts, at kahina-hinalang dami at laki ng halaga ng cash outs.

Facebook Comments