BSP, itinangging gumastos ng milyun-milyong piso para sa bagong logo

Mariing pinabulaanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gumastos sila ng milyun-milyong piso para sa paggawa ng bagong logo.

Matatandaang inilunsad noong Biyernes ng BSP ang bago nilang logo na gagamitin sa susunod na taon.

Sa statement, iginiit ng BSP na ang kanilang bagong logo ay gawa ng kanilang in-house talents.


Anila, walang procurement na nangyari at walang katotohanan sa mga ulat na gumastos sila ng malaki para lang sa bago nilang logo.

Nabatid na lumabas sa business news website na Bilyonaryo na naglaan ang BSP ng P52.5 million para sa bagong logo.

Ang bagong logo ay inendorso sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) bago ito naaprubahan ng Malacañang ngayong buwan.

Facebook Comments