BSP, kinalampag ng isang senador kaugnay sa nakaambang pagtaas ng ATM fees

Manila, Philippines – Kinalampag ni Senator Lito Lapid ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na pag-aralang mabuti ang nakaambang pagtaas ng bayarin sa mga transaksyon sa automated teller machine o ATM ng mga bangko.

Hiling ni Lapid sa BSP, isaalang-alang ang kapakanan ng ating mga mamamayan na pinakaapektado ng dagdag bayarin na ito.

Pakiusap ni Lapid, huwag nang dagdagan pa ang pasanin ng ating mga kababayan, lalo na ng mga manggagawa na kakarampot na nga ang kinikita ay mababawasan pa sa kanilang paggamit ng ATM.


Ipinunto rin ni Lapid na paano pa mahihikayat ang mas maraming Pilipino na maglagak ng pera sa bangko kung patuloy na tataasan ang bayad sa simpleng pagwi-withdraw sa pera na kanilang pinaghirapan.

Facebook Comments