BSP, kumpiyansang makakamit ang target range ng inflation ng bansa sa huling bahagi ng taon

Positibo si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli M. Remolona Jr., na makakamit ng bansa ang target range ng inflation ng bansa sa huling quarter ng 2023.

Partikular target range na 2.0 to 4.0 percent na inflation sa 4th quarter ng taon.

Ayon kay Remolona, ito ay sa harap ng malakas na banking system sa bansa.


Aniya, ang matatag na banking system sa bansa ang nakatulong ng malaki sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas matapos ang dagok ng pandemya.

Naging bahagi aniya ng solusyon sa krisis ang malakas na banking system ng bansa at hindi naging bahagi ng problema noong pandemya.

Facebook Comments