BSP, magpupulong ngayong araw kaugnay sa pagpataw ng mas mataas na interest rate sa mga bangkong pinauutang nila

Nakatakdang magpulong ngayong araw ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay sa pag-adjust ng interest rates na ipinapataw nila sa mga bangko.

Kasunod na rin ito ng pag-akyat ng inflation rate nitong Hulyo sa tumatagingting na 6.4%.

Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, posibleng magtaas sila ng 25 hanggang 50 basis points upang mapigilan ang pagsipa lalo ng inflation rate sa bansa.


Ngunit sinabi ni Medalla na posibleng mapigilan ang mga susunod na rate hikes ngayong taon kung matutugunan ang kakulangan sa food supply at pagpapababa ng presyo ng oil products.

Mababatid na nagtaas na ng 125 basis points ang BSP ngayong taon kung saan 75 basis points ang dinagdag nila noong Hulyo at tig-25 nitong Mayo at Hunyo.

Facebook Comments