BSP, manghihimasok na sa isyu ng talamak na online gambling

Gagawa na ng aksyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay sa paglaganap ng online gambling sa bansa na nagiging problema na ng lipunan.

Ayon sa BSP, mag-iisyu sila ng circular na layong protektahan ang mga gumagamit ng digital platforms mula sa panganib na dulot ng online sugal.

Sa ngayon ay bumuo na ng draft ang BSP at hinihintay pa ang tugon ng mga stakeholder.

Layon ng circular na i-require ang mga BSP supervised institution partikular ang mga bangko at electronic money issuers na protektahan ang kanilang users gaya ng paglimita sa access para makapaglaro.

Tiniyak naman ng BSP na binabalanse nila ang polisiya sa pagprotekta sa consumers at pagpapanatili sa access sa digital payments para sa lisensiydong mga negosyo.

Noong 2021, inatasan na rin ng BSP ang mga bangko at e-wallets na alisin ang links sa online sabong alinsunod sa pagbabawal ng pamahalaan sa operasyon nito.

Facebook Comments